Search
Tuloy po kayo sa Peel District School Board
Mabuhay
Alamin ang Mga Katotohanan
Sentro Para sa Malugod na Pagtanggap
Rehistro
Tulong na Pagsasanay Para sa Mga Magulang
Mga Papel ng Katotohanan Para sa Magulang
Mga Paalala Para sa Magulang
Mga Bagay-Bagay Pangmag-aaral
Mga Paaralan
Kalendaryo
Mga Kapisanang Pampaaralan
Kilalanin ang inyong Tagapangasiwa
Mataas na Paaralan at Lampas pa
Edukasyon pang nasa hustong gulang
Hanap-buhay sa Peel
Sumuskribi
Mga Katanungang Madalas Tinatanong
Ang sangguniang Peel ay tumutulong sa inyong anak na matuto ng Ingles

Matapos ninyong maparehistro ang inyong anak sa isa sa aming mga paaralan, madali nang makikilala ng aming mga kawani ang inyong pamilya at pati na ang mga pangangailangan ng inyong anak. Ang Sangguniang Pampaaralan ng Distrito ng Peel (Peel District School Board) ay nagkakaloob ng dalawang uri ng tulong sa kanilang pag-aaral ng Ingles:

  • Ingles bilang pangalawang wika (English as a second language, ESL)
  • Pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat (English literacy development, ELD)

Ang mga ESL na mag-aaral ay nangangailangan ng tulong upang matuto ng Ingles
Ang aming programang ESL ay binuo at isinaayos upang matulungan ang mga mag-aaral na matuto ng Ingles. Maaaring magbigay benepisyo ang ESL kung ang inyong anak ay may kaunting kaalaman sa Ingles, ngunit nakapasok na sa paaralan sa inyong bansa. Kung ang inyong anak ay ipinanganak sa Kanada, ngunit ang Ingles ay hindi madalas gamitin sa inyong tahanan o komunidad, mayroon ring tulong na makukuha para sa inyong anak.

Ang mga ELD na mag-aaral ay nangangailangan ng mga karagdagang tulong upang mapagbuti ang kanilang mga kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat
Para sa mga mag-aaral na hindi nakumpleto ang pagpasok sa paaralan at mayroong malaki-laki ring agwat sa kanilang edukasyon, ang sanggunian ay nagkakaloob ng tulong na programang ELD. Kung kayo ay nanirahan sa ibang bansa kung saan ang karaniwang Ingles ay ang opisyal na wika, ngunit karaniwang gamit ang sari-saring uri ng Ingles, ang inyong anak ay makatatanggap rin ng tulong na programang ELD. Ang programang ito ay makatutulong sa inyong anak na mapagbuti ang kaniyang kakailanganing kaalaman sa wikang Ingles upang magtagumpay sa paaralan. Hindi katulad ng mga mag-aaral ng ESL, ang ELD na mga mag-aaral ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mapagbuti ang kanilang mga kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat sa sariling wika.

Paano ipinagkakaloob ang tulong ng mga programang ESL/ELD sa mga paaralan ng Peel?
Ang mga ESL/ELD na mag-aaral ay maaaring hindi maging mahusay sa ibang mga aralin dahil sa kanilang kakulangan sa kakayahan sa wika upang maunawaan ang mga aralin o magsagawa ng mga gawaing paaralan. Kailangan ng inyong anak ang tamang panahon upang mapagbuti ang kanyang mga kakayahan sa Ingles bago namin tasahin ang kaniyang husay sa pag-aaral at iba pang mga pagsubok.

Sa mga mababang paaralan, ang mga mag-aaral na ESL/ELD ay gumagawa at nag-aaral sa isang karaniwang silid-aralan sa halos buong araw sa tulong ng isang guro at, hangga’t maaari, isang ESL/ELD na guro. Ang guro ng inyong anak ay tutulungan siyang mapagbuti ang kanyang kakayahan sa Ingles na kanyang kailangan upang makisali sa mga gawaing pangsilid-aralan. Kalaunan, matututuhan ng inyong anak ang mga inaasahang kaalaman sa kurikulum ng Ontario at makisali kasama ng kanyang mga kamag-aral. Ang guro ay tutulungan ang inyong anak upang magpagbuti ng husto ang kanyang kakayahan sa wika upang kanyang magamit sa pangkalahatang bahagi ng aralin.

Ang pagbubuti ng kakayahan ng inyong anak sa Ingles ay mayroong iba’t-ibang yugto
Ang inyong anak ay susulong ayon sa pagkakasunod ng mga yugtong ito habang siya ay humuhusay sa Ingles. Ang apat na mga yugtong ito ay hindi nakatali lamang sa iisang baitang o aralin.

Unang Yugto: Ang paggamit ng Ingles sa layuning pangkaligtasan
Sa unang yugto, ang inyong anak ay magiging pamilyar sa mga tunog, mga ritmo at mga bagay na pinanggagayahan sa Ingles. Ang inyong anak ay susubok ng mga makabuluhang mensahe, ngunit aasa sa mga pagtingin upang maunawaan kung ano ang ipinahahayag. Siya ay tutugon sa pamamagitan ng mga kilos, paisa-isang salita o mga maiikling parirala.

Pangalawang Yugto: Ang paggamit ng Ingles sa mga pamilyar na gawain
Sa pangalawang yugto, ipakikita ng inyong anak ang pag-unlad ng kanyang tiwala sa sarili at gagamit ng naaangkop na wika. Makikinig siya ng may sapat na pang-unawa at gagamit ng pang-araw-araw na pagpapahayag.

Pangatlong Yugto: Ang paggamit ng Ingles nang nag-iisa
Kapag narating na ng inyong anak ang pangatlong yugto, hindi na siya mag-aalanganing magsalita at magpapakita na kanyang higit na pang-unawa. Gagamit siya ng mahahabang parirala at mga pangungusap. Makakasali na siya ng husto sa mga gawaing paaralan. Gagamitin ng inyong anak ang kanyang bokabularyo upang magpahayag, magpakilala, magpaliwanag at maghambing. Makababasa at makapagsusulat na siya nang nag-iisa.

Pang-apat na Yugto: Ang paggamit ng Ingles ng may kahusayan
Sa yugtong ito, ang inyong anak ay gagamit ng higit na malawak at tamang bokabularyo. Magbabasa siya at magsusulat upang siliksikin at lawakan pa ang mga ideya, habang naghuhusay pa ang kanyang kakayahan sa wika.

Mayroon ring apat na mga yugto ng paghuhusay ng wika para sa mga mag-aaral na ELD:

Unang Yugto: Sinisimulang gamitin ang pangkaraniwang Ingles ng Kanadyan
Sa yugtong ito, ang inyong anak ay makababasa at makauunawa ng ilang Ingles ng Kanadyan. Siya ay nakasusulat na rin.

Pangalawang Yugto: Ang paggamit ng karaniwang Ingles ng Kanadyan sa mga pamilyar na gawain
Sa yugtong ito, ang inyong anak ay makikinig ng may kasamang higit na pang-unawa at mag-isang gagamit ng pang-araw-araw na pagpapahayag. Magpapakita siya ng higit na tiwala sa sarili sa paggamit ng tamang wika.

Pangatlong Yugto: Ang paggamit ng karaniwan at tamang Ingles na Kanadyan
Sa yugtong ito, ang inyong anak ay matututo ng higit na malawak na bokabularyo at gagamitin ito ng tama. Makababasa siya at makasusulat upang siliksikin at lawakan pa ang mga ideya, habang naghuhusay pa ang kanyang kakayahan sa wika.

Pang-apat na Yugto: Pagbabasa at Pagsusulat
Sa Yugtong ito, ang inyong anak ay magpapamalas ng mga kakayahan na kailangan para sa mga gawaing pagbabasa na umaayon sa tamang-baitang at gagamit ng karaniwang panunulat sa Ingles.

Ang inyong anak ay susulong mula sa unang yugto patungo sa susunod nang nag-iisa. Ang inyong anak ay maaari ring magpamalas nang sabay-sabay na mga kakayahang umuugnay sa mahigit isang yugto. Ito ay nagpapatunay ng pag-unlad sa pag-aaral ng isang pangalawang wika.

Mga dahilang sanhi ng madaliang pagkakatuto ng bata sa Ingles Ang lahat ng mga bata ay natututo at naghuhusay nang nag-iisa at ito ay higit na katotohanan para sa mga mag-aaral ng programang ESL/ELD. Mayroong mga dahilan na nagbibigay impluwensiya sa inyong anak kung paano madaling matuto sa pamamagitan ng mga yugtong ito, maghusay sa Ingles at magsanay sa isang panibagong kapaligiran ng paaralan katulad ng:

  • ang edad ng inyong anak
  • ang tagal ng inyong paninirahan sa Kanada
  • ang inyong pagkasanay sa Kanada
  • ang nakaraang karanasan ng inyong anak sa pag-aaral o edukasyon
  • ang kakayahan ng inyong anak sa pagbasa at pagsulat sa kanyang unang wika
  • ang nakaraang paghahantad sa Ingles
  • wika o mga wikang binibigkas sa tahanan
  • kung may kahirapan man ang inyong anak na matuto
  • mga epekto ng kahit na anumang maaaring naging pinsala ng giyera, likas na sakuna o pagkagulo ng pamilya

Ang unang wika ay nagbibigay ng isang matibay na pundasyon
Ipinamamalas ng mga pananaliksik na ang mga mag-aaral na pinananatili ang kaalaman sa kanilang unang wika habang natututo ng Ingles ay nagiging mahusay sa paaralan. Dapat ninyong subukang panatiliin ang unang wika ng inyong anak hangga’t maaari. Ang mga kakayahan sa wika ay naisasalin mula sa isa hanggang sa ibang wika. Ang unang wika ng inyong anak ay nagbibigay ng isang matibay na pundasyon upang mapagbuti ang mga kakayahan nito sa paglutas ng suliranin, karanasan at kaalaman sa katatagan ng isang kultura at pagkatuluy-tuloy at pakikipagkomunikasyon sa inyong pamilya.

Para sa mga karagdagang impormasyon
Maaari kayong makakuha ng impormasyon tungkol sa mga programang ESL/ELD mula sa inyong lokal na mababang paaralan. Ang mga kawani ng paaralan ay tatalakayin ang mga pangangailangan ng inyong anak at sisiguruhing ipinagkaloob ang nararapat na suporta sa inyo. Kung kinakailangan, ang paaralan ay kukuha ng interpreter upang matulungan kayo sa pagpaparehistro, mga panayam para sa magulang-anak o upang talakayin ang paghuhusay ng inyong anak.

Kung kailangan ninyo ng mga karagdagang impormasyon, maaari ninyong makausap ang tagapamahala ng ESL/ELD sa Sentro Para sa Edukasyon ng HJA Brown (HJA Brown Education Centre), 5650 Hurontario Street, Mississauga o tumawag sa 905-890-1010, ekstensiyon 2531. Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa sangguniang Peel, bumisita sa aming web site sa www.peelschools.org.

Home Get the Facts Parents Boost Learning Student Stuff Schools Calendar School Councils Meet your Trustee Media Desk